EVERYBODY KNOWS (PILOT)
By: Julian B. Pangilinan  Home  Episodes
---------------------------------------------------------------------------------
Kung hindi pa nahulog si Daisy mula sa kanyang mala prensesang pagkakahiga ay hindi ito magigising at maaalala ang iniuutos nang kanyang Inay. Dali-dali nitong inayos ang sarili, nagpunta ng salamin, itinali ang maikling buhok, at saka bumaba ng dahan-dahan, nasa hagdan pa lang siya ay sinenyasan na sya ng kanyang Kuya na lagot na sya, isang pagdila naman ang iginanti niya dito.
Si Daisy ay pangalawa sa dalawang magkakapatid kapwa wala nang amang nagisnan, ang kuwento sa kanya noong isinilang siya namatay sa isang aksidente ang kanyang ama, at tungkol naman sa pagiging pingas niya, dulot ito ng isang komplikasyon noong ipinagbubuntis siya, dakila mang pangit si Daisy sa kanilang barangay, maituturing naman siyang pinaka-mabait sa lahat ng taong naroroon, kaya ngat gustong gusto siya ng kanilang mga kapitbahay, hindi na nakapagaaral pa si Daisy dulot na nga din ng kahirapan nabubuhay lang sila dahil sa trabaho ng Ina bilang mananahi at siya kasi namamasukan siya sa mga De Jesus ang pinaka mayamang pamilya sa kanilang probinsia, samantalang ang kanya namang kuya ay nabubuhay bilang isang batugan na kuhol.
Dahan dahang lumabas si Daisy sa kanilang likod bahay, hindi na bago sa kanya ang ginagawang to, halos araw araw daily routine na sa kanya to, minsan nga lang nahuhuli siya pero sa pagkakataong ito nagtagumpay siya sa binabalak. At katulad nang kanyang nakagawian daan ito sa tindahan nila Andy isang sa kanyang matalik na kaybigan, doon mamimili siya na walang kamatayang empanada na sadyang ginagawa ni aling Hazel para sa matalik na kaybigan ng kanyang anak, pero katulad nang isang ordinaryong araw dadating si Donna.
Parang  kabuteng sumulpot si Donna sa likuran ni Daisy at biglang inagaw ang empanada na kanyang binili, pero handa dyan si Aling Hazel meron pa siya isang stock.
Si Donna ay may matinding paghanga kay Andy sino nga ba ang hindi magkakagusto dito, e sa buong barangay nila ito lang ata ang Guapo, pero lagi niyang iniisip na bakit pa si Daisy ang napili nito bilang kaybigan samantalang ang panget pangit naman nito di hamak na dyosa (DAW) siya sa kagandahan.
Sabay pumasok sina Andy at Daisy kakambal ang kapit tukong si Donna, si Andy at Emelditas ay sa paaralan kapwa kolehiyo na, samantala naman si Daisy ay sa bahay ng mga De Jesus para doon ay kumayod.
Nang dumating sila sa kanto ng barangay nagpaalam na si Donna kay Andy lang.
"O! pano paalam na may dadaanan pa kasi akong damit malapit dyan sa isang sikat na patahian!!"
" Naku! di hamak namang maganda manahi ang inay kaysa sa sinasabi ng babaeng to!" Bulong naman ni Daisy.
"Anong sinabi mo?"
"Wa-wala sabi ko, oo magaganda ang mga tahi doon!"
Nang mawala na sa kanilang paningin si Donna nagtungo naman sila sa bahay ng kanilang matalik na kaybigan na si Jack a.k.a. Jackie pag gabi.
Si Jack o Jackie ay isang gay, pero aminado naman siya wala na siyang mga magulang at tanging siya na lang ang bumubuhay sa kanyang maliit na kapatid na si Angel, siya naman ay retirado narin sa pag-aaral dahil kumakayod narin siya bilang isang stand up comedian sa city malapit sa kanilang probinsia.
Nang makarating ang dalawa sa bahay ni Jack ay naliligo pa lang to, tutal maaga pa naman napagpasyahan nang dalawa na hintayin na ito. Makalipas ang ilang minuto sabay sabay na silang naglakad, nang makarating sa jeep station nagpaalam na ang dalawa dahil doon sila sasakay tutal naman malapit ang city sa pinapasukang paaralan ni Andy, samantalang si Daisy naman ay maglalakad na lang nang kaunti ay maaabot na nya ang bahay ng mga De Jesus.
At nang marating na siya sa bahay ng mga De Jesus ay kaagad naman siyang sinalubong ni Lita upang bulyawan at pagalitan kung bakit na naman itong late pero kasunod nito ay ang asawa nitong si Yoyoy upang iligtas si Daisy.
Laking gulat nalang ni Daisy nang hindi makita ang mga De Jesus sa loob nang bahay, maya-maya naman sumabat si Emelditas ang anak ng mayor domang si Lita, isang babaeng dream on to be a rich ang sabi niya pinanganak daw siyang may golden spoon sa kanyang bibig.
"Alam mo (habang abala ito sa pag popolish ng kanyang kuko sa kamay) sinunso nila ang anak ni ma'am Emma na galing sa states at mamayang hapon pa ang dating ng mga to!"
Dumaan ang mahabang araw, hindi pinayagang umuwi si Daisy sa kanila dahil sa lakas ng ulan na nagsimulang bumuhos magmula pa nong hapon. Maya-maya pa'y dumating na sila Emma galing Airport malapit sa kanilang bayan, doon kahit gabing-gabi na at umuulan ay sinalubong parin sila ng mga katulong na mga nakapayong isa doon si Daisy, dalawang linya ang kanilang binuo kanan at kaliwa sa main door nang bahay.
Mula sa isang kotse doon lumabas si Jasmine ang panganay na anak ng mga De Jesus sumunod doon ay si Emma sumunod si Efraine bago lumabas si Mark, sa hindi inaasahang pagkakataon para bang natigil ang panahon ni Daisy nang masilayan ang mukha ng binata, nagulat na lang siya nang mapansin niyang siya nalang ang natitira sa labas nakapasok na ang lahat.
Maagang natulog si Daisy sa maid quarter dahil narin sa kanyang pagod, mag 12 na nang gabi nang siya'y magising dahil sa kanyang uhaw, kaya ipinagpasya nyang pumunta nang kusina para kumuha ng maiinom sa ref.
Samantala naman sa kanyang kinahihigaan ay hindi mapagkatulog si Mark dahil narin hindi siya sanay dahil magkaiba ang time nang canada sa pilipinas, sa hindi niya maintindihang paraan ay pilit siyang inaaya ng kanyang paa pababa ng bahay, doon nakita niya ang ilaw nang ref, sa kusina dahil ito lang ang nagiisang ilaw na bukas sa baba ng kanilang bahay, kaya ipinagpabuti niyang tignan ito, nagulat nalang siya nang makita niya ang isang katulong na may kinukuha sa ref, maya-maya na lang ay nakaisip siya nang kapilyuhan, dahan dahan siyang lumapit at nang makahanap nang pagkakataon ginulat niya ito sakto namang pag-kulog at pag-kidlat, na naging dahilan naman nang pagkagulat ni Daisy kaya nabitawan niya ang mamahaling lalagyanan ng tubig na babasagin. Laking gulat naman ni Mark ng makita ang mukha ni Daisy kaya naman hindi ito nakatagal at agad na bumalik sa kanyang kuwarto.